TheMaanShow

The Maan Show: Custer Winston

19 May 2012

M: Did you resign from your current job? Why?

C: no, not at the moment.

M: Kumusta namn ang career mo?

C: promising… literally.

M: puro promise ba? hanggang kelan mo pa nakikita sarili mo dyan sa work mo ngayon? are you happy with your career?

C: sabihin na lang nating this is my time to collect what I have worked hard for.

M: okay. Erwin, ilan kayong magkakapatid?

C: I have two brothers, Im the middle child.

M: May lakad nga pala ako.

C: ako rin may lakad in a bit. hahaha!

M: mamaya na lang ulit? hahahaha!!!

C: ok. nakakaantok pa mga tanong mo eh. teaser lang muna yun. LOL!

@JRhyan: ang diva! may reklamo sa mga tanong :))

M: mamaya hindi ka na aantukin sa mga tanong ko. later na lang ulit ha?

 

20 May 2012

M: eto baka personal masyado.. Ano yung pinakamabigat na pinagdaanan mo with your sibling/s?

C: 1st, we have totally different personalities. we were close nung bata pa kami but we drifted apart through the years…

C: andyan yung pati parents namin nadadamay sa awayan namin, naglayas pa nga ako noon dahil di ako nakaganti ng sapak sa kuya ko

C: feeling ko mas favorite sila ng bunso namin. I even became violent kasi napadugo ko ang ulo ng kuya ko…

C: nabato ko na rin ng pinggan yung bunso namin, at muntik na ng kutsilyo… but as we grow older, I learned how to control my anger

M: nakakatakot ka naman maging kapatid. Did you ever wish na may younger sister ka?

C: yes… I actually have a half-sister… same kami ng birthday, never met her though. at di namin sya kamukha! LOL!

C: for the record, masarap din ako maging kapatid ah! I spoil my two nephews as if they are my own.

M: do you want to meet your half sister?

C: not saying no, but im not dying to meet her either.

M: what was your first reaction when you learned about your half sister?

C: I got so mad! then i became ok with it, wanted to meet her pero di pa ready yung tatay ko… until I lost interest.

C: may iba ka bang gustong itanong? hahaha!

M: marami!!! nalink ka sa ibang rushers di ba? ilan na ba sila?

C: hahahaha!!! I dunno… not for me to answer. =)

M: c’mon…i’m sure may alam ka. sige, ilan na lang yung alam mong nalink sa yo?

 @COCOhernandez: @maan_taj @Cust3rw1nst0n aminin na kasi…#supportingMAAN

C: hahaha! I’d rather be a gentleman than to answer that.. maybe some reactions from the audience would do? hahaha!

M: Who knows kung ilang rushers na ang nalink kay @Cust3rw1nst0n???

@OscarDelaHopia: @maan_taj @Cust3rw1nst0n *taas kamay* LOL

M: ODH, please enumerate them. hwag na i-tag.

C: oist! ang tanong “ilan! hindi enumerate!!!@OscarDelaHopia

O: when you say na-link.. yun crush ba ni custer o nagkacrush kay custer?.. if yung una, hmmm 3?

M: Mas exciting ang enumerate. kung kasya sa 140 characters

C: No.. we should stick to the question. @OscarDelaHopiaODH! we’re friends diba?! And I trust you, u know that!

O: ayan ha. 3… safe answer. Ilan may crush sa kanya? naku madami…. for sure!

C:  Let’s keep it classy. Ang manlaglag sakin, ilalaglag ko rin and have him/her take the journey to the center of the earth! Ganun. LOL!

M: may takutan.. sabi mo nakakaantok ang questions ko…

C: basta walang laglagan. O sya, tama na ang pagkuha ng reactions sa viewers.

C: 3? Yung 2 lang ata ang alam kong alam mo. So kung sino man yung 3rd, hindi yan confirmed! Hahaha!

O: the question is “na-link”, db?.. e nililink kita sa isa.. so, ok na yun LOL. o sya, epal na ko masyado

C: thank you.. lets move on…

@COCOhernandez: @Cust3rw1nst0n @OscarDelaHopia @maan_taj this is#TheMaanSHow, Bakit manipulative yung guest… #supportingMAAN

C: o sige, kayo na magpa-interview

@COCOhernandez: @Cust3rw1nst0n @OscarDelaHopia @maan_taj sorry na po… AYAW KO MASAKTAN… ( stay in 1 corner and shuts up… well tries!) hahaha

M: RT @JRhyan: madami ba? ang alam ko may taga SG din ata…#TheMaanShow OMG!!! sino yan! sabihin na.

J: observant akong tao… 🙂

M: @OscarDelaHopia @JRhyan yung taga-SG na nalilink k Erwin, yun ba ay crush niya or may crush sa kanya?

C: malamang may crush sakin, kasi hindi ko nga alam na may ganyan eh. Wow lang ang masasabi ko

M: pwedeng mag @JRhyan muna ako? Ang hirap mag move on hanggat walang confirmation from Jaime. sino yan?

C:  talaga Jaime? may taga SG na may crush sakin? wow ah. joke time!

M: direchuhin mo na kami. sino yan? si daryl pa rin? LOL

J: o bakit siya nasali?? sabi ko nga “Observation ko lang” 😛

C:  na-lost ako… pls explain offline. LOL!

M: Okay..let’s move on. sa 3 sinabi ni ODH na nalink sa yo, ilan ang babae at ilan ang lalaki?

C: W.O.W.!!!! I feel insulted!!!

M: sorry, i don’t mean to insult you.

C: Awkward. Uncomfortable.

M: Okay, Erwin, I’ll be frank and straight to the point. May mga nagtatanung din, are you straight? Sorry, this is awkward.

C: sino yang mga yan? tell them to ask me straight to my face, hindi yung pinapadaan nila kung kani-kanino.

M: okay, cool lang tayo. sabi ni @krizzieEnrile 100% straight ka raw. ibaling natin sa kanya ang question, kumusta na kayong 2?

C: kami ni @krizzieEnrile? Ako ok naman, sya mukhang ok din naman. Why?

M: Next time na lang yung “why?” Eto na lang, ano bang hinahanap mo sa isang katuwang sa buhay?

C: someone who’s strong when I feel weak, someone I’d feel better being with, someone who believes me and accept me no matter what.

M: do you fall in love easily?

C: Ahihihihi… Ma-attract, oo. Ma-in love, depende.

M: when you say madali kang ma-attract, is it physically or sa personality nung tao or treatment sa yo?

C: both siguro. I dont say Im attracted kung looks lang or personality lang it has to be both. Maybe replace the “looks” to “appeal”.

M: sino yung unang rusher na ang lakas ng appeal para sa yo?

C: Yung una? Si Chai, alam naman nila yun. Shout out to my kambal, Rico! Hehehe…

M: no idea ako, may nakarelasyon ka bang rusher? o puro crush lang?

C: kung meron eh di sana alam ng lahat. yung mga ganung bagay hindi sinisikreto, pinagmamalaki yun!

M: malay ko ba kung tragic masyado ang break-up kaya everyone decided to keep quiet and not talk about it.

M:  Kilala mo na ba yung taga-SG na nalink sa yo?

C: SG Rusher?! LOL! Meron ba? That. Is. So. Flattering.

M: kung si Chai ung unang rusher na ma-appeal for you. sino yung pangalawa? di ko na itatanong ung 3rd.

C: si Toni. Kiddie Rusher yung 3rd.

M: nakakatuwa naman na close ka pa sa kanila. never mo naisip dati na ligawan yung isa sa kanila?

C:  Kapag ba ma-appeal or crush mo, nililigawan agad?! That is so juvenile! High school lang?! LOL!

M:  No. Appeal lang ung tanong ko. Malay ko ba kung more than friend and appealing ang tingin mo sa isa sa kanila.

C: it takes a lot for me to fall in love, and I don’t depend on standards… it just happens.

C: last 1 question na muna… have to prepare for my lakad, then to be continued na lang ulit mamaya…

M:  paano ba mainlove ang isang

C: ay mahaba-habang usapan yan, male-late nako sa appointment ko! hahaha! to be continued na muna ha…

 

21 May 2012

C: game!

M: Hanging question yesterday: Paano ba magmahal ang The Erwinator?

C: simple lang, nakakagawa ako ng mga bagay na di ko usually gnagawa, yung dapat maa-assure ko sa kanya na special sya.

M: like? Example ng ginawa mo na to someone to make her feel special.

C: mahilig ako mangsurprise, yung effort. Simple lang pro alam nyang effort, like gumigising ng maaga, e hrap ako dun e.

M: ano naman yung sobrang kilig at appreciated mo na ginawa ng ibang tao sa u?

C: yung xmas at new years eve, we spent it together kasama family nya via skype, nasa hawaii kasi sya. Tsaka boto sila sakin! Hehe.

C: part time DJ din sya dun so binabati nya ko on air. Snurprise ko sya, tumawag ako live on air, ayun naiyak cya. hehe.

M: seloso and protective ka bang boyfriend?

C: yup both, pero nasa lugar. I consider kasi kung ano magiging reaksyon o mararamdaman nya bago ako kumilos.

M: mabalik tayo k Dj, nasaan na sya ngayon? Ano na ang status nyong dalawa?

C: wala na, dun na sya sa Australia, may bago na, tagal na.

M: mabalik tayo sa mga nalink/naging crush mong rushers. Ano yung similarities nila?

C: i dont look at their similarities, i look and appreciate them individually.

M: yun o!!! May rusher na bang nagtapat ng pag-ibig/pag hanga nya sa yo?

C: wala.

**nakatulog ang host**

C: Next question please…

C: Nakatulog na ba si @maan_taj? Binibitin mo ko! #Paasa LOL!

M: hahaha! Pang-ilang paasa na ba akong nakilala mo if ever? Lol

C: hahaha! Nako, let’s not go there, mapapamura ako nang wala sa oras, makakasira lalo ng sira nang image!

M: one thing that really turns you off?

C: yung mapagmalinis. Lahat naman tayo may kalokohan, may past na di kagandahan, kaya yung magmalinis, TO talaga.

M: Have u ever broken somebody’s heart?#unrequitedlove

C:  I think so. Im not perfect, cant please everybody.

C: Still waiting for the #Highlight of the night!

M: Would you love or fall in love with someone just bcoz she loves you?

C: maybe, but that won’t be the basis. I fall for someone who moves me, who takes commands of my emotions.

C: Naks, ganda ng mga sagot ko, showbiz! Hahaha!

**nakatulog ulit ang host**

C: Tapos na ba? Yun na yun?!

 

22 May 2012

M: di pa tayo tapos. Sorry, nakatulog ako.

C: okie

M: One question habang onti or walang viewers: What/who makes you smile?

C: any kilig moments. Yung mag-care sayo yung crush mo. Ganon. Ahihihi! Babaw lang!

@iamcorix : RT “@maan_taj: Fell asleep while doing #themaanshow Boo!! #tired” ~ 25,304 ang tawa ko dito! If this is only a TV show, FTW! XD

M: nakakahiya!! Puyat kc nung Sunday at pagod ng Monday. Di ako pwedeng co-host ni Kuya Germs. Nakatulog eh.

@iamcorix : aaahh, tama na.. Ang sakit na ng panga ko sa kakatawa. Waaaah!

@iamcorix : the best talaga ang #TheMaanShow, you’ll never know what to expect.. Everything is just spontaneously happening. #FTWXD

@FortuNataDeCoco: @iamcorix Pa-interview ka na rin babe! 🙂 @maan_taj#TheMaanShow #FTW

@iamcorix: @FortuNataDeCoco babe, my life is like a bland pasta without the sauce. #Lamoyan @maan_taj #TheMaanShow #FTW

@FortuNataDeCoco: Hahaha! Ndi naman! Sa galing ni @maan_taj mang-interview, may mauungkat at mauungkat sya, I’m sure :)) #Lamoyan#TheMaanShow #FTW

C: hello kambal!

@iamcorix@Cust3rw1nst0n tuloy mo lang yan kambal, nag-eenjoy ako sa mga sagot mo.?

C: haha! Wala pakong FTW answer eh. Haha!

@iamcorix :@Cust3rw1nst0n eh wala pa kasi yung FTW question na galing sa dati yata NBI inspector na si @maan_taj. LoL! Kidding! 😛

C: tama! Pero kinakabahan pa rin ako, hehe.

M: so in short, si crush mo ang nagpapa-smile sa yo? si Vitamin C ba yan? 

C: pwede! Pwede!

M: gaano katagal na yang pagtingin mo kay Vitamin C?

C: mga November ata yun. Tapos nung nagka-dengue ako, mas napansin ko sya hanggang sa lumalim na lang. Ganun.

M: anong quality ni Vitamin C yung pinaka nagustuhan mo sa kanya?

C: tamang tama ang timpla. May humor sya na baka hindi nya alam na meron pala sya. Para syang batang masarap alagaan.

M: alam ba nya na may pagtingin ka sa kanya?

C: hindi ko alam.

M: gusto mo bang malaman nya?

C: what for?

M: why not? pls explain. lalo na sa mga no idea sa kung anong estado ng pagtingin mo k Vitamin C.

C: ayoko mag-assume. kaya kung nanonood man sya ngayon, paramdam nya kung alam nya o hindi. LOL!

M: may mga ginawa or sinabi ka na ba sa kanya na somehow ay nagpahayag ng pagtingin mo sa kanya?

C: oo naman, syempre. sabi ko nga dati, in my own ways…

M: dahil may mga kinikilig sa yo, sample naman ng kung anong ginawa/sinabi mo sa kanya.

C: waaaaahhhh! Ayoko! Mahuhuli nyo ko! Hahaha!

M: hindi yan. sige na. di natin alam kung nakasubaybay ba sya ngayon or hindi. yung pinakanakakakilig.

C: yung pinakanakakakilig eh yung nag-uusap kami sa twitter na walang mentions, tapos cryptic ang dating. Well I guess alam nga nya.

 

23 May 2012

M: Ano yung pinaka-cryptic pero sweetest “parinig” tweet mo sa kanya?

C:  hmm.. Di ko na matandaan, pero yung naaalala ko lang is yung nagtweet ako about the 1st time na nagkatitigan kami. Yun.

M: So, anong nakita mo nung magtitigan kayo?#wagpilosopoha

C: i was captivated. Iba makipagcommunicate ang mga mata, it just pierces through your heart. It tames me.

M: eyes ba Nya ang pinakafavorite mong part Ng buong katawan nya?

C: YES!

M: Kung magkakatitigan ulit kyo, anong message ipaparating mo sa kanya through ur eyes?

C: na masaya ako pag masaya sya. At sana lagi syang masaya. Yan lang ang pwede ipublish. Haha!

M: pag nagkakasama kayo, paano mo sya pinapasaya in ur own little ways?

C: hmm.. Basta gusto ko walang dull moments. #SafeAnswer

M: What if one day, tumakbo sya sa yong umiiyak at heartbroken? What will you do?

C: i’ll be there as a friend.

M: and what will you do and say as a friend?

C: makikinig. Tsaka ipaparamdam ko na special pa rin sya. Yung dapat less yung chances ng loneliness attacks nya.

M: One thing that Vit. C did or say to you na sobrang kilig pero di nya alam na über kilig ka na pala dun?

C: yung sya yung nagyaya ng lunch! Grabe, gumaling ata ako sa sakit ko nun ng mga 10mins sa sobrang kilig! Haha!

M:  weekdays ba naganap ang lunch na to o weekend? Kayong 2 lang?

C: weekday yun, pero di natuloy. Kasi nga im sick. Pero sobrang naappreciate ko yun.

M: Kung sumama ka, baka gumaling ka talaga sa sobrang tuwa at kilig. Rusher ba si Vit. C? Yes or No lang.

C: ay ayoko, kasi haggard to the max ako nun eh, one reason kung bakit umayaw ako. sayang no?

 

24 May 2012

M: Sayang nga. Pero rusher ba si Vit. C? Last Q for tonight na

C: maybe

M: yes or no nga lang eh.

C: eh.. #JumeJrhyan

M: yes or no?

C: NO. #satisfied?

C: hahahaha! May pans pala ako! Hehehe.Hello pans!

M: kaya hwag masungit, please?

C: si @jrhyan kasi eh…

M: Hindi talaga rusher si Vitamin C? Pwede mo bang ipakilala yan sa mga rushers na nakasubaybay sa yo at napapakilig mo?

C: bakit ko naman ipapakilala, hindi naman kami. Tsaka pabayaan na natin sya, let me go my own way.

M: Paano ka mag-alaga ng special someone?

C: Maalaga ako sa puso, bawal saktan. Haha!

M: Like how? #pampakilig

C: syempre behave dpat ako. Tpos not a day na di ako ggawa ng somthng to let her knw im thinking of her, etc. Mga ganun.

 

25 May 2012

M: how do you mend a broken heart?

C: i sleep a lot, tsaka yung buhok ko napagtitripan ko. Dati nagpapa-pierce ako kaya mdami akong hikaw. 

 

26 May 2012

M: napagtitripan mo buhok mo..so ngayong ang ganda ng hair mo, ano ibig sabihin nyan?

C: i’ll leave it up to you.

M: hmmm.. Bukod ba kay Vit. C, may iba pang nagpapasmile at nagpapakilig sa yo?

C: panung smile at kilig? Smile, meron naman. Kilig, iba na yun! Haha!

M: may iba ka pa bang napupusuan bukod k Vitamin C?

C: napupusuan agad?! Haha. Naka sick leave ang puso ko ngayon sa ganyan, kras kras lang muna, ganun.

M: o sige, ibang crush.

C: oo naman, meron syempre. Wag nang itanong kung sino, baka sumikat pa at my expense dahil sa exposure! Lol! Joke!

M: so ibig sabihin yung kay Vitamin C, ibang level na yun? Hindi lang crush? Masmalalim pa?

C: umabot sa point na yun.

M: mahal mo na sya?

C: *grins* anyway, next question pls.

@specialistjoe: wow meron pa din? #themaanshow late night edition.

C: haha! Nocturnal ako e, eh si @maan_taj gising pa pala. Mas maganda ganitong oras, walang naka tune in!

M: musta naman ang nkasick leave mong puso? Nasa box pa rin ba or maliit masyado yung box?

C: malaking box! kaya ayun, aalog-alog sya mag-isa. Maganda sana may makasama. Hehe.

M: Eh ano pa bang hinihintay mo? Si Vitamin C or someone na ka-level niya?

C: wala. Bigla ko na lang siguro makikilala yun.

M: ano na nangyari dun sa kumakatok sa puso mo dati?

C: sino?

M: teka, may question from one of the viewers.@specialistjoe

C: shoot!

@specialistjoe: Masasabi mo bang segurista ka o risk-taker? Life in general pati sa pag-pursue kay Vitamin C.

C: risk-taker ako pero i filter which ones to pursue and which ones to leave alone.

C: kay vitamin c, leave alone.. Pero who knows?

@specialistjoe: follow-up. Last na: when you filter “those who you want to leave alone” is it because u dont want o nagsawa ka na?

C: Depende. Pero usually i go for reality check. Pag alam kong di talaga pwede, di ko na pinipilit

C: Ang ganda ng mga questions ni kuya @specialistjoe! Napapaisip ako sa sarili ko!

M: Happy ka at this very moment?

C: ok naman ako.

M: If you have to choose, would rather have/do the one that is right or the one that will make you happy?

C:  the one that will make me happy is always the right thing to do.

 

27 May 2012

M: What if it will hurt someone else?

C: I’m not born to please everybody. As far as I’m concerned, I’ve made some people happy, so I’m entitled to my own happiness too.

 

31 May 2012

@Atomic_Biik@Cust3rw1nst0n good morning cutie! ;p tapos na ba yun #TheMaanShow?” – yata.

M: Di pa!!!! Wala lang time.

C: haha! nakita mo pa yun, di ka na nga minention. Kala ko lusot nako, hehe.

M: Ayaw mo ba ng ikaw yung nilalapitan at nililigawan?

C: depende kung sino ang lalapit. hehe.

M: Ano yung hindi mo gusto sa mga lumalapit sa yo?

C: assumera, yung kung makabantay sa bawat kilos ko kala mo detective.

M: Do you believe in love at first sight?

C: hmm.. Pwede. I believe in soulmates kasi. So more of love at first meeting. Ganun. 

1 June 2012

M: Na-experience mo na ba yun? Paano mo ba nalalaman na mahal mo na agad yung isang tao?

C: pwede bang crush at first sight na lang? Hahaha!

M: Hahaha!! Parang fuchsia to red lang ha. Are you the expressive type pag nagkagusto ka sa isang tao?

C: depende sa level ng pagkagusto of course. Manhid lang ang hindi makakaramdam nun.

M: How do u express love? Through quality time? Gifts? Physical contact? Words? Or service?

C: service?! Nu yun? Haha! I think mas appropriate ang attention sa panahon ngyn, busy mga tao. Pag attention, sakop na nun lahat.

C: attention so knya lhat yun, quality time like unlimited access to my touch, hugs, kisses and opkors, body! Haha!

M: hahaha! #katawangpangromansa ba? 100% ready knb to get into a relationship that will last forever?

C: kung sa tamang tao, why not? Pero you’ll know it along the way, natutoto na ko eh. Gusto ko kasi andun na lahat.

M:  bakit nga pala Vitamin C ang tawag mo sa kanya?

C: ah, kasi para syang supplement – keeps me going, and go further.

M: What made you laugh the hardest in your entire life?

C: nung may pnakain ako nung ntapon kong ulam nung HS. Dko na sya npigilang kainin un sobrang tawa ko. srap na srap pa!

M: grabe! hindi mo sinabing natapon na yun?

C: sasabihin ko nga sana bago pa nya masubo, kaso di ako makapagsalita sa sobrang kakatawa. #peerpressure

M: Are (you) the bully or the bullied?

C: I was once the bullied, to gain friends, I kinda joined the bullies… In the end, good guys pala kami lahat! 

 

4 June 2012

M: Boxers or briefs?

C:  briefs. Yung tight and skimpy! Lol!

 

5 June 2012

M:  top or bottom?

C: huh?

M: never mind. Anyway, shy type or outgoing?

C: outgoing.

M: short hair or long hair?

C: long hair.

M: fair skinned or morena?

C: doesnt matter…

M: Quiet or outspoken?

C: depende kung gano ka-quiet o gano ka-outspoken.

M: younger, same age, or older?

 

7 June 2012

M: Psssst!! One day na yung tanong ko.

C: wala na bang iba? Kelan ba matatapos? Haha!

M: di kc magkatugma free time natin eh. Ok, one last time, tuloy-tuloy. Kelan?

 

10 June 2012

M: Anong petsa tayo magstart?

C: hahaha! 

 

11 June 2012

M: Uy, ano na?

C: was waiting yesterday kaya.

M: so conyo naman d way you say it. i think by the time i was free na, you went gala na to Rob. Tapos I fell asleep na nung gabi

C: ah is that so? At pano mo nalaman na nag-Rob ako? Foursquare? Haha!

M: Yup. 4sq. saan pa ba? Ano, ngayon na lang natin ituloy or kailangan mo na matulog?

C: bukas na lang, umaga. promise! magiging busy ako tonight eh, lam mo na, nag-move up eh.. gandahan mo mga tanong ha! hehehe. =)

M: Just want to clarify, #themaanshow with @cust3rw1nst0n is not finished yet. Tomorrow morning continuation nung sa kanya. Busy ang lolo nyo.

 

12 June 2012

M: Anong oras tayo

C: now na.

M: sino mas influential sa u when making decisions, friends or family? #themaanshow (parang mali sentence construction ko)

C: depende sa situation, if it concerns them.

M: have you ever been betrayed by a friend?

C: no. because kung friend ko sya, hindi nya ako ibe-betray.

M: Nakakawalang gana, may kasabay.

C: naman! Si @jrhyan ba naman ang katapat eh! Haha!

M: what will you do if u found out na isa sa mga close friends mo, same sex, is actually in love with you?

C: may dapat bang gawin? Let him, feelings nya yun, free naman yun. 

C: Commercial break ba tayo? Tagal eh. Kaya tayo tinatalo ng kabilang show. Haha!

C: teh, tapos na? Naka powernap na ko eh. Haha!

M: teka, nasa work. kinakausap ng boss

M: if you were given a chance to go overseas with one special person, who would it be? #namedrop

C: why would we go overseas kung kahit sa Divisoria lang, basta hawak ko kamay nya, solved na solved na?

M: hugs or kisses?

C: eto na naman ba tayo sa choices?

M: Bakit ayaw mong namimili?

C: I’m not a fan of choices when it comes to love… I want just only one…

M: what if malaman mong 2nd choice ka lang ng taong mahal mo at nagmamahal sa yo?

C: all my life Ive been a 2nd choice,or not evn a choice at all. I nid change,so I’d quit. Im not a 2nd choice material.

M: aside from a significant other, ano pa ba ang kulang or gusto ng isang CusterWinston?

C: nothing much, just a happy life.

M: Ano ba ang happy life for you? #quotablequotesulit

C: being contented and being able to handle shortcomings well and still able to inSPIre others. Basta puro able!

M: Ano ba??? Nakalimutan ko yun itatanong ko. Kainis!!! 10 mins ko na yatang iniisip. Grrrr.. 

C: significant ba yan o multiple choice ulit? Haha! Gabi na oh, madaming pwedeng itanong! Lol!

M:  iba na nga lang. ano yung pinaka-life changing decision that you’ve made?

C: nung nagpatuli ako. Ayun. Kasi binata na ko!

M: What are you passionate about?

C: seryoso talaga mga tanong?! Hahaha!

M: Hala! Anong tanong ba gusto mo?

C: yung hindi nakakaantok.

M: Meron ka rin bang gustong i-#bigreveal tulad ni Ash?

C: nada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CommentLuv badge